Arranged Marriage - THIRTY - Page 2 (2024)

 

"Wala!" sagot niya. "Wala kang sakit kasi buntis ka."

Nagulat ako sa sinabi niya at napatigalgal. Ano? Buntis ako? Pano nangyari yun? Bakit ako buntis? Hindi pa pwedeng mabuntis ako kasi hindi pa totally mahal ako ni Indigo. Hindi pa niya ko surely na mahal. Kung sakaling buntis talaga ako, baka tutuhanin niya ang sinabi niya na ilalayo niya ang bata sakin. Ayokong mawalay sa anak ko! Hindi maari to!

"Hindi ako buntis! Ayoko pang mabuntis Fire," saad ko at naglaglagan na ang mga luha ko.

"Bakit? Kasi hindi ka pa mahal ni Indigo?" tanong niya.

"Oo at baka tutuhanin niya yung sinabi niya noon na ilalayo niya ang bata sakin. Ayokong mangyari yun Fire."

"Sa tingin mo gagawin yun ni Indigo sayo? Sa tingin mo hahayaan niyang hindi makapiling ng anak niya ang ina nito?" tanong niya. "Violet hindi naman ata baliw si Indigo para gawin yun sayo at sa anak niyo."

"Sigi sabihin na nating sinabi niya yun pero noon pa na yun. Nadala lang siya sa galit non kaya sinabi niya yun," aniya. "Walang matinong ama na ilalayo ang anak niya sa ina nito."

"Anong gagawin ko Fire?"

"Ang una mong gawin ay tumigil ka na sa kakaiyak. Baka sabihin ng mga kasambahay ko dito na pinapaiyak kita."

Gaya ng sinabi niya, tumigil na ako sa pag-iyak at humingi siya ng tubig at pinainom sakin. Nahimasmasan na ako kaya nagsimula na siyang magpayo. "Una, bumili ka naman ng pregnancy test at kung negative, mapalad ka pero pagpositive, maswerte ka. Again, huwag mong ipalaglag ang bata kasi ako talaga ang chuchugi sayo pagpinalaglag mo. Sabihin mo rin kay Indigo kasi nakakatoxic na ang mga scene na ililihim daw ng bida ang anak nila sa asawa nito tapos lalayo tapos magkikita muli pero malaki na ang bata. Sawa na ako sa mga paganon kaya sabihin mo kay Indigo ang resulta. Kung ano man ang reaksyon niya, tanggapin mo."

"Sigi gagawin ko yan," saad ko.

"Kailan? Bukas? Sa susunod na taon?" tanong niya. "Dapat now na. Huwag kang magsayang ng panahon uy!"

Bumuntong-hininga ako. "OK sigi fine. Aalis na ako. Magtatake na ako ng test."

"Ganyan dapat. Oh eh perfect mo ah!" aniya.

Binatukan ko siya. "Alam mo, luka-luka ka talaga."

"Sus hindi ka pa na sanay," aniya. "Sigi na gumura na kana tapos sabihin mo rin sakin kung ano ang result ah. Excited na ako magkaroon ng inaanak!"

Ngumiti ako sa sinabi niya. "Sigi aalis na ako. Bye."

Hinatid niya ako sa labas at pinaalahan na mag-ingat kasi baka may laman na talaga ang sinapupunan ko. Tuluyan na akong umalis sa bahay ng luka-lukang Fire at bumili ng pregnancy test. Gaya ng dati, kinakabahan na naman ako pero what ever happens, anak ko ang dinadala ko kaya dapat tanggapin ko kahit baka hindi ito tanggap ni Indigo. If ever na hindi niya tanggap ang bata, uuwi ako kina mama at papa. I'm sure tatanggapin nila ako kasi dala ko ang isang dugong Delgaldo at De Luna.

Dumiretso ako sa bahay at akala ko walang tao akong madadatnan pero himala kasi nandito si Indigo. Nadatnan ko siyang nakaupo sa sofa at mukhang may hinintay.

Napansin niya ang presensya ko kaya napatingin siya sakin. "Saan ka pumunta?" tanong niya. "Nag-alala ako kasi baka na pano ka. Bakit hindi kita macontact." Kita ko ang pag-alala sa mukha niya.

Ningitian ko siya. "I'm fine," saad ko at diretsong pumunta sa kwarto.

Sinundan niya ako na nakakunot ang noo. Binalewala ko siya at pumasok sa cr. Nilock ko ang pinto at kinuha ko ang pregnancy test. Nagtest ako at abot langit naman ang kaba ko. Kung negative, maswerte ako pero kung positive mas magiging maswerte ako kahit maraming hindi magiging magandang mangyayari. Ipaglalaban ko ang karapatan ko bilang isang ina. I will consider as blessing kung may laman ang sinapupunan ko.

Huminga ako ng malalim at inabangan ang resulta. Pinagpapawisan na ako sa kaba hanggang sa may dalawang guhit na lumabas. Napaluha ako at napangiti. Nagtake pa ako ng iba at positive lahat ang resulta.

"Wife, ayus ka lang ba?" dinig kong tanong ni Indigo sa labas.

Napaiyak talaga ako sa resulta. Hinawakan ko ang tiwan ko at hindi ko akalain na may isang munting anghel na ang nabubuhay rito. Anak what ever happen, hindi ka susukuan ni mommy at hindi ko hahayaan na ilalayo ka nila sakin. Ipaglalaban kita.

Huminga ako ng malalim habang dala-dala ang tatlong pregnancy test na may dalawang guhit. Kinakabahan akong binuksan ang pinto. Nadatnan ko si Indigo na ang lalim ng iniisip. Tumingin siya sakin at linapitan niya ako. Niyakap niya ako. "Nag-aalala na ako sayo. Ano bang nangyayari?"

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at lakas loob na inabot ang tatlong pregnancy test. Kumunot ang noo niya ng matanggap ito. "Indigo, buntis ako."

Arranged Marriage  - THIRTY - Page 2 (2024)

References

Top Articles
Latest Posts
Article information

Author: Rev. Porsche Oberbrunner

Last Updated:

Views: 5545

Rating: 4.2 / 5 (73 voted)

Reviews: 80% of readers found this page helpful

Author information

Name: Rev. Porsche Oberbrunner

Birthday: 1994-06-25

Address: Suite 153 582 Lubowitz Walks, Port Alfredoborough, IN 72879-2838

Phone: +128413562823324

Job: IT Strategist

Hobby: Video gaming, Basketball, Web surfing, Book restoration, Jogging, Shooting, Fishing

Introduction: My name is Rev. Porsche Oberbrunner, I am a zany, graceful, talented, witty, determined, shiny, enchanting person who loves writing and wants to share my knowledge and understanding with you.