Arranged Marriage - THIRTEEN - Wattpad (2024)

 

Violet's POV.....

Bored na bored ako rito sa bahay at palagi nalang akong natutulala dahil gulong-gulo parin ang utak ko dahil kay Indigo. Pumunta ako sa closet at nagbihis dahil plano kong bisitahin si Fire. Papaadvice din tayo mga beks kasi hindi ko na kaya. Papaniwalaan ko ba si Indigo or hindi?

Tanghali na ako nakarating sa bar ni Fire at buti nalang hindi siya busy ng madatnan. "What brought you here?" tanong niya.

"Pwede ba kitang makausap?"

"Oo naman. Hindi ako busy kaya pwede tayong mag-usap."

Pumunta kami sa VIP area. Wala pang masyadong tao sa bar niya. "Ano bang pag-uusapan natin?" tanong niya ng makarating kami sa napili niyang VIP area.

"About Indigo," nakayuko kong sagot.

"What about him?"

"May nakita akong lips mark sa collar ng polo niya."

"What?" she shouted. Halata sa mukha niya ang pagkabigla sa nadinig. "Is it true?"

"Oo. Nakita ng dalawang mata ko at color bloody red pa nga ang shade ng lipstick."

"So ibig sabihin, may kabit siya?"

"I don't know."

I'm about to cry. Nasasaktan talaga ako pagnaiisip ko ang tungkol sa kabit na yan."OK ka lang?" nag-alalang tanong niya.

"Malamang hindi!"

May pagkabobita talaga tong apoy nato! Kailangan ba talagang tanungin na OK lang if obvious naman na malapit na akong umiyak? Kulang-kulang talaga sa IQ tong babaeng to!

"Kinaklaro ko lang," depensa niya. "So anong ginawa mo?"

"Tinanong ko siya."

"Oh tapos?"

"Sabi niya friend lang daw niya yun tsaka lasing daw siya," sagot ko.

"Friend na pala ang mga kabit ngayon?" tanong niya.

"Baka! Napakahinayupak talaga ng lalaking yun! Kaya pala late umuwi tapos minsan lasing pa!"

"Ano? Resbakan natin?"

"Ayokong pag-aksayahan ng energy at time ang babae niya! Maghintay lang sila kasi na sakin ang huling halakhak."

"Pero what if mahal niya ang kabit niya?"

Napahinto ako sa tanong ni Fire.What if ang kabit niya ang meant to be niya? What if ako ang kontrabida sa love story nila? What if mahal niya ang babaeng yun? What if sila ang nakatadhana? Pano ako?

Napaluha ako habang iniisip na baka ako ang hadlang sa kanilang dalawa. Ipaglalaban ko parin ba si Indigo? Pero what if lang naman lahat yun. Hindi naman ako sure na totoong mahal niya ang kabit niya! Mukhang hindi din naman niya ako iiwan kasi patay siya sa magulang ko at magulang niya. Nasa akin parin ang alas kaya mukhang hindi pa ako iiwan ni Indigo.

Ngayon, isa lang ang nasa utak ko at yun ay ang magsaya! Kakalimutan ko muna ang mga problema kasi nakakastress yun at nakakagurang. Dinampot ko ang shot glass sa mesa at nagsalin ako ng alak. It's time to party!

"Magsaya muna tayo ngayon! Kakalimutan ko muna lahat ng problema ko kasi nakakapangit ang mga problem na dulot ni Indigo!" saad ko sabay lagok sa alak.

"Sigi basta bayaran mo yang mga iniinom mo," aniya.

Tumango ako at hindi na siya muling umimik. Sinabayan niya ako sa pag-inom at nagparty-party kami. Lumipas ang ilang oras at lasing na ako. Marami na ring tao sa baba kasi hapon na kaya ang ginawa ko. Bumaba ako at naghunting ng mga male species.

"Hi miss," bati ng isang lalaking feel ko half pilipino half amerikano. Amerikano at naperfect breed ng isang pilipino. He's so gwapo and his medyo tanned skin makes him more attractive. Napakasexy niyang ngumiti.

"Hi! Do you speak Tagalog?" sigaw ko kasi malakas ang music.

"I'm sorry but I don't!"

"OK that's fine!"

Kahit lasing ako, matino parin ako kausap pero hindi ko makontrol ang mga pinaggagawa ko at minsan, lumalakas ang emotion ko kapag nakainom. Binigyan niya ako ng drinks at tinanggap ko naman ito. Inom here, inom there.

"Do you want to dance?" malanding bulong niya sa tenga ko.

Ako na si lasing, pumayag naman kaya pumunta kami sa dance floor at sumayaw. Nahihilo na ako pero mas mukhang nadagdagan ang pagkahilo ko dahil sa drinks na binigay niya. Habang sumasayaw kami, saan-saan na napupunta ang mga kamay niya. Nihahanap ng mata ko si Fire pero hindi ko na siya maaninag dahil madami ng tao. Kinapa ko rin ang phone ko pero wala akong nakapa dahil mukhang na iwan ko yun sa VIP area kanina.

Napagod na ako kakasayaw at gusto ko ng umuwi. "I have to go."

Pinigalan niya ako at hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko. "No!"

"Let me go! Nasasaktan ako!"

Masakit ang pagkakahawak niya sa braso ko kaya nagpupumiglas na ako. Umiiyak na rin ako kasi bumaon na ang mga kuko niya sa braso ko.

"Release my wife's arm or else I'll cut your hands into pieces," dinig kong sabi sa likod ko. Nakakapanindig bahalo ang boses nito at halata ang galit sa tono ng pagsasalita. Yeah if you're thinking na si Indigo, you're correct!

"Who the hell are you?" tanong ng bwesit na lalaking kano.

"I am the one who will f*cking bring youu to hell if you still won't let go my wife's arm," matigas at malamig na saad ni Indigo.

"This is your f*cking wife?"

"Yes, she's mine and you have no f*cking right to take and harm my property."

Hinablot niya ang isa kong braso kaya nabitawan ito ni kano. "Don't touch my wife again if you don't want to die."

Kinaladkad niya ako palabas ng bar at sinakay sa kotse niya. Napakaetchusero talaga ng lalaking to noh? May pa banta-banta pa parang sino! Babaero naman!

Arranged Marriage  - THIRTEEN - Wattpad (2024)

References

Top Articles
Latest Posts
Article information

Author: Greg Kuvalis

Last Updated:

Views: 5549

Rating: 4.4 / 5 (75 voted)

Reviews: 82% of readers found this page helpful

Author information

Name: Greg Kuvalis

Birthday: 1996-12-20

Address: 53157 Trantow Inlet, Townemouth, FL 92564-0267

Phone: +68218650356656

Job: IT Representative

Hobby: Knitting, Amateur radio, Skiing, Running, Mountain biking, Slacklining, Electronics

Introduction: My name is Greg Kuvalis, I am a witty, spotless, beautiful, charming, delightful, thankful, beautiful person who loves writing and wants to share my knowledge and understanding with you.